Walang plano ang Commission on Human Rights (CHR) na magpaalam sa pamahalaan sakaling makipagtulungan sila sa ipinupursigeng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa anti-drug war ng administrasyon.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, hindi na umano nila kailangan pang humingi ng pahintulot sa Philippine Government kung magpasya man silang magsumite ng report sa ICC kaugnay sa mga pang-aabuso umano sa pagpapatupad kampanya kontra iligal na droga.
Pahayag ni De Guia, handa umano ang kanilang tanggapan na makiisa sa ICC investigation kahit pa mariin itong tinututulan ng kasalukuyang administrasyon.
Kung pagbabasehan aniya ang 1987 constitution, nakasaad dito ang pagiging independent body ng CHR.