Hinimok ngayon ng Commission on Human Rights o CHR ang mga awtoridad na suspendihin muna ang pagpapatupad ng kampanya laban sa mga tambay.
Ayon kay CHR Commissioner Gwen Pimentel, dapat munang mapaliwanagan ang publiko ukol dito.
Binigyang diin ni Pimentel na dapat munang tukuyin kung anong uri ng mga tambay ang aarestuhin ng mga pulis upang maalis ang anumang agam-agam ng publiko na baka sila ay basta na lamang damputin ng mga awtoridad.
Kasabay nito, tiniyak ng CHR na mahigpit silang nakabantay sa kampanya kontra tambay ng pulisya hinggil sa mga posibleng paglabag sa karapatang pantao.
—-