Hinimok ng CHR o Commission on Human Rights ang Bureau of Immigration na irekonsidera ang naging desisyon nito na ipa-deport ang Australian Missionary na si Sister Patricia Fox.
Sa ipinalabas na pahayag ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, nagsisilbing mapanganib na halimbawa para sa iba pang mga dayuhang human rights workers sa bansa ang deportation order laban kay Sister Fox.
Gayundin, posibleng maging dahilan ito upang magdalawang isip na ang mga ito na magsagawa ng mahahalagang huminatarian work sa bansa.
Iginiit pa ni De Guia, kabilang sa karapatang pantao ang pagsama sa isang mapayapang pagtitipon anuman ang lahi o nationalidad nito.
Dagdag pa ni De Guia na bahagi ng tungkulin ng pamahalaan ang bantayan ang karapatang pantao ng lahat ng indibiduwal sa Pilipinas kabilang ang mga dayuhan.