Hinihingi ng Commission on Human Rights (CHR) ang kooperasyon ng Philippine National Police (PNP), sa kanilang isinasagawang imbestigasyon sa serye ng pagpatay sa Negros Oriental.
Ayon kay CHR Spokesperson Jackie De Guia, partikular na kinakailangan nila mula sa PNP ang impormasyon sa mga kaso kung saan dalawampu’t isa na ang naitatalang nasawi.
Kaugnay nito, iginiit ni De Guia na walang kinakailangan para isailalim sa martial law o emergency power ang buong Negros Island.
Aniya, mismong ang pulisya na ang nagbigay ng pagtitiyak na nananatili pa rin sa kanilang kontrol ang Negros Oriental sa kabila ng sunod-sunod na insidente ng pagmamaril at pagpatay sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Magugunitang una nang inatasan ng CHR ang kanilang regional office na dagdagan ang ipinadalang imbestigador sa lalawigan.