Ginagawa lamang ng Commission on Human Rights o CHR ang trabaho nito na mag-imbestiga hinggil sa mga posibleng paglabag sa karapantang pantao ng gobyerno.
Ito ang buwelta ng CHR sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na iimbestigahan at maaaring barilin ang mga human rights advocate dahil sa posibleng obstruction of justice at pakikipagsabwatan sa mga drug syndicate.
Ayon kay CHR Spokesperson Jaqueline de Guia, umaasa sila na kikilalanin ng pamahalaan na isang “constitutional right” para sa bawat Filipino ang “equal protection” ng batas maging ang impartial trial kabilang ang imbestigasyon.
Ipinunto naman ni Menardo Guevarra, Senior Deputy Executive Secretary ng CHR na bilang abogado ay batid ni Duterte ang mandato na kailangang gampanan ng komisyon.
By Drew Nacino