Hindi masususpindi o maipagpapaliban ng national state of emergency ang human rights at writ of habeas corpus sa bansa.
Binigyang diin ito ng Commission on Human Rights (CHR) bilang tugon sa pahayag ni DILG Undersecretary Martin Diño na binabawi ang karapatang pantao sa panahon ng state of emergency.
Ayon sa CHR mayroong mga katanggap tanggap na restrictions sa panahon ng state of national emergency tulad ng kalayaan sa pagkilos bilang suporta sa social distancing subalit hindi ang human rights standards kaya’t dapat lamang ang kinakailangan at naaayon sa batas na pagdampot na hindi dapat gamitin sa mga tina-target na grupo, minority o indibidwal.