Mahihirapang patunayan ang anumang paglabag sa karapatan ng isang suspect na napatay sa operasyon.
Ngunit ayon kay Commission on Human Rights Chair Chito Gascon, mas pagtutuunan nila ang pag-iimbestiga sa mga kaso kung saan nasa kustodiya na ng pulisya at nakaposas na ang suspect pero napatay pa rin ng mga pulis.
Sinabi ni Gascon na automatic nang nag-iimbestiga ang komisyon kapag tumataas ang bilang ng mga nahuhuling suspect na napapatay ng pulis.
Una nang sinabi ng PNP, tumaas ng 200 porsyento ang bilang ng mga suspect na napapatay sa operasyon ng pulisya simula nang matapos ang May 9 elections.
By: Avee Devierte