Iimbestigahan na ng CHR o Commission on Human Rights ang pag-aresto ng Immigration kay Australian missionary Sister Patricia Fox.
Sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia na nais nilang mabatid kung nasunod ang mga batas ng bansa sa pag-aresto sa pitumpu’t isang taong gulang gulang na madre.
Ayon kay de Guia, malinaw sa UDHR o Universal Declaration of Human Rights na inadopt ng United Nations na may karapatan ang mga dayuhang makiisa sa mga rally subalit walang dapat na nilalabag na batas ang mga ito.
Una nang binigyang diin ni Fox na pakiramdam niya ay bahagi na ng kaniyang misyong tumulong sa mga indigenous people sa halos tatlong dekada ang pakikilahok sa mga rally.