Inirekomenda ng CHR o Commission on Human Rights sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga tauhan ng Manila Police District Station 1 na sangkot sa umano’y iligal na pagkukulong sa 12 indibidwal sa isang “hidden” lock-up cell.
Iginiit ni CHR Commissioner Karen Dumpit na naniniwala sila na mayroong “sufficient cause” para imbestigahan si Station Commander Supt. Robert Domingo at lahat ng police personnel ng MPD Station 1.
Nakasaad pa sa liham ni Dumpit kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na kabilang sa na-commit ng mga naturang pulis ay arbitrary detention, grave threat, grave coercion, robbery/extortion, paglabag sa anti-torture act of 2009 at paglabag sa 2013 revised Philippine National Police Operational Procedures
Matatandang nadiskubre ang nasabing hidden lock-up cell sa sorpresang inspeksyon ng CHR sa MPD Station 1 noong abril 27.
By: Meann Tanbio