Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsabog sa isang pampublikong pamilihan sa Isulan, Sultan Kudarat.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann De Guia, ang pagsabog ay tahasanag paglabag sa karapatan ng mga Pilipino na mamuhay ng mapayapa.
Hinikayat ni De Guia ang gobyerno na hanapin at papanagutin ang mga nasa likod ng naturang pagsabog.
Aniya, dapat ay maglatag ang pamahalaan ng solusyon para sa kapayapaan at maiwasan nang maulit ang kahalintulad na karahasan.
Matatandaang 7 katao ang nasugatan sa naging pag atake.