Lubos ang pasasalamat ng CHR Commission on Human Rights matapos na ibalik ng Kamara ang orihinal na budget nito para sa susunod na taon.
Sinabi ni CHR Spokesman Atty. Jackie De Guia na magandang mensahe ang pagbabalik ng kanilang 2018 budget na pagpapakita ng pagpapahalaga ng gobyerno sa karapatang pantao.
Ayon pa kay De Guia maaaring hindi naiintindihan ng ilan ang mandato ng ahensya at hindi nakikita ang kanilang ginagawa sa mga naaabuso.
Inihayag ni De Guia na hindi naman dapat ikagalit ng administrasyon ang kanilang imbestigasyon lalo na sa kampanya kontra iligal na droga dahil ang kanilang hakbang ay hindi nangangahulugang kinokontra nila ito.
—-