Walang batayan ang ginawang babala ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesman Lt/Gen. Antonio Parlade Jr. laban sa aktres na si Liza Soberano.
Ito’y makaraang manindigan si Parlade na nagpaalala lamang siya kay Soberano na posibleng matulad ito sa sinapit ni Josephine Anne Lapira o Ella na namatay dahil sa maling paniniwala.
Ayon kay CHR Commissioner Gwen Pimentel – Gana, dapat maghinay-hinay si Parlade sa kaniyang mga bibitiwang pahayag lalo’t isa itong opisyal ng militar na may masalimuot nang papel sa kasaysayan.
Dahil dito, sinabi ni Gana na nakatakda silang maglabas ng pahayag hinggil sa usapin upang idepensa si Soberano at igiit na lahat ay may kalayaang maghayag ng kanilang saloobin maging pabor man ito o kontra sa pamahalaan.