Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Commisson on Human Rights o CHR kaugnay sa kaso ng pagpatay sa isang opisyal ng Bureau of Corrections o BuCor sa Muntinlupa City.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, dapat ay mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Ruperto Traya, chief administrative officer 3 ng BuCor.
Kasabay nito, hinimok din ni De Guia ang mga otoridad na gawing masinsinan ang imbestigasyon na gagawin sa kaso ni Traya,
Ipinabatid din ni De Guia na kanilang sinusuportahan ang nais ng BuCor na solusyunan ang mga problema sa piitan sa bansa.
Sa ngayon ay blangko pa rin ang mga otoridad sa pagkakakilanlan ng suspek.