Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa Community Health Worker na si Dr. Natividad Castro.
Ayon kay human rights spokesperson Jacqueline De Guia, nagpadala na ng quick response team ang komisyon mula sa kanilang regional officer sa Metro Manila at Caraga.
Ito ay para imbestigahan ang posibleng paglabag Ng Philippine National Police (PNP) sa rules of procedure.
Nakikipag-ugnayan naman ang CHR maging sa local authorities at pamilya ni castro para matiyak ang kanilang kaligtasan habang nasa kustodiya ng PNP ang doktor.
Nitong biyernes inaresto ng PNP si Castro sa kasong may kinalaman sa kidnapping at serious illegal detention na inihain sa Regional Trial Court sa Bayugan City, Agusan Del Sur. – sa panulat ni Abigail Malanday