Makikipagtulungan ang Commission on Human Rights (CHR) sa National Police Commission (NAPOLCOM) para matiyak na nasusunod ang tinatawag na rule of law.
Ipinabatid ito ni CHR Chair Luis Chito Gascon sa gitna na rin ng anti-illegal drugs operations ng mga awtoridad kung saan marami ang napapatay.
Tiniyak ni Gascon na mas higit pa nilang ipatutupad ang kanilang mandato na pangalagaan ang karapatang pantao ng publiko.
Subalit isa aniyang magandang hakbang ang naging pahayag ng Pangulo na panagutin ang sinumang kapulisan na lumabag sa karapatang pantao lalo na kapag sila ay nagsagawa ng anti-drug operation.
By Judith Larino