Naalarma ang Commission on Human Rights sa inilabas na ulat ng PNP-IAS kung saan mahigit 400 suspek ang nasawi sa kustodiya ng pulisya simula pa nuong July 2016.
Dahil dito magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang CHR sa tumataas na bilang ng mga bilanggong namamatay.
Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann De Guia, maging ang mga preso man ay may karapatan at dapat pa ring itrato ng may respeto at dignidad bilang isang tao.
Wala aniyang rason para makatikim ng pagmamalupit o magkaroon ng iba’t-ibang uri ng pang-aabuso sa loob ng piitan.
Samantala, welcome naman sa CHR ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng PNP-IAS para alamin ang sanhi ng pagkasawi ng mga preso.