Malugod na tinanggap ni Commission on Human Rights o CHR ang pasya ng Philippine National Police o PNP na tanging kopya lamang ng mga spot reports ng mga kaso ng pagpatay kaugnay sa war on drugs.
Gayunman, iginiit ni CHR Chairman Chito Gascon na patuloy pa rin nilang hihingin ang magkaroon ng access sa buong case folders ng mga naturang kaso.
Una rito, nabatid na binigyan lamang ng PNP ang CHR ng partial access sa mga kaso ng pagpatay na may kaugnayan sa mga police operations at war on drugs.
Sa liham na ipinadala ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kay Gascon, sinabi nito na tanging spot report lamang na tulad ng isinumite nila sa Senate hearing at hindi buong kopya ng mga naturang kaso ang kanilang maibibigay.
Paliwanag ni Dela Rosa, karamihan sa mga nasabing kaso ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at kanila lamang iniingatan na ma-preempt o ma-jeopardize ang mga ito.
Hinimok din ni Dela Rosa ang CHR na humingi ng lamang ng mga kopya ng case information sa mga piskal at hukom kaugnay ng mga kasong nasimulan na ang preliminary investigation o pagdinig.
—-