Nababahala ang pamunuan ng Comission on Human Rights (CHR) hinggil sa anila’y pagpatay sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.
Ito ang naging pahayag ng CHR kasunod ng pagkamatay ng isang barangay chairman sa lungsod ng Malabon na pinagbabaril ng mga hindi pa natutukoy na suspek.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, kung ganito aniya ang sinapit ng mga taong nasa pwesto, papaano na aniya ang seguridad ng mga ordinaryong Pilipino.
Mababatid na sa pinakahuling datos ng CHR, pumalo na sa kabuuang 86 ang bilang ng mga pinatay na local executives mula noong Hulyo 2016 hanggang ngayong buwan, Enero 2021.