Umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na ibigay sa mga naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo at sibilyan ang lahat ng tulong na kanilang kinakailangan.
Ito’y kaugnay pa rin ng malagim na pagbagsak ng C-130 plane ng air force sa Patikul, Sulu noong araw ng Linggo kung saan, pumalo na sa 53 ang nasawi.
Ginawa ng CHR ang pahayag kasabay ng pagpapaabot nila ng pakikiramay sa pagluluksa ng mga nasawing sundalo at sibilyan sa malagim na trahedya.
Giit ni CHR Deputy Spokesperson Marc Louis Siapno, bawat buhay ay mahalaga lalo na ang sa mga sundalo na siyang nagpapakita ng tapang at dedikasyon sa pagganap nila sa tungkulin kahit maging buhay man ang kapalit.