Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) na dapat magbigay ang gobyerno ng non-discriminatory at makatwirang pagtugon sa pandemya sa halip na ang pagpapatupad ng patakarang “No Vaccine, No Ride Policy.”
Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, na ang patakaran ay naghihigpit sa publiko sa paggamit ng kanilang kalayaan sa pagkilos at paggalaw.
Gayunpaman, kinilala ni Pimentel-Gana na maaaring paghigpitan ng gobyerno ang ilang mga karapatan dahil sa ilang mga pangyayari sa gitna ng banta ng COVID-19.
Matatandaang, ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang patakarang nagbabawal sa mga hindi pa nabakunahan na gumamit ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila habang ang rehiyon ay nasa alert level 3.
Ang fully vaccinated status ay maaaring mapatunayan sa pamamagitan ng pisikal o digital na mga kopya ng card na ibinigay ng lokal na pamahalaan. —sa panulat ni Kim Gomez