Pinamamadali na ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapatupad ng Republic Act (RA) 11861 o ang Expanded Solo Parents’ Welfare Act.
Ito’y bilang suporta sa gitna ng mga kinakaharap na hamon ng bansa tulad ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Pinuri naman ng kagawaran ang napapanahong paglagda sa Implementing Rules and Regulations (IRR) lalo’t mahigpit ang pangangailangan ng solo parents.
Alinsunod sa batas, makatatanggap ang mga low-income earning solo parent ng 1,000 peso cash subsidy kada buwan; eligible sa 10% discount sa ilang gamot na may anak na edad anim pababa;
Ipaprayoridad din ang low-cost housing, PhilHealth coverage, workforce, apprenticeships, livelihood training, reintegration programs para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) at iba pa.
Pinapayagan naman sa bagong batas na makatanggap ng mga benepisyo hanggang sa maging 22 taong gulang na ang anak ng mga solo parent. – sa paulat ni Hannah Oledan