Tiniyak ng CHR o Commission on Human Rights na nakamasid sila sa mga magaganap at nagaganap na labanan sa pagitan ng militar at NPA o New People’s Army.
Nilinaw ni CHR Chairman Chito Gascon, na hindi lamang mga posibleng paglabag ng militar ang kanilang inaaksyunan kundi pati ang paglabag ng mga rebeldeng grupo tulad ng NPA.
Nagpahayag ng pangamba si Gascon na lumobo ang bilang ng mamatay sa labanan lalo na ngayong ipinag-utos pa ng pangulo na barilin agad ng mga sundalo ang mga NPA na kanilang makakaharap.
Nakapanghihinayang anya dahil bago nakansela ang peace talks sa CPP-NPA-NDF ay mayroon nang nilagdaang human rights monitoring mechanism ang magkabilang panig.
Mahalaga na tingnan natin ‘yung humanitarian law dimension, pag sinabing humanitarian law, ito ‘yung batas na sakop ang bangayan ng mga pwersang armado.. Ano ba ang dapat gawin ng mga may hawak ng armas, ‘yung tinatawag na combatant sa pakikipag-uganayn sa isa’t isa at sa mga non-combatant. So kung may pang-aabusong ginagawa, halimbawa ang mga NPA, sakop sila nitong humanitarian law