Mahigit sa 800 reklamo laban sa paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang natanggap ng Commission on Human Rights (CHR).
Ayon kay CHR Commissioner Karen Gomez-Dumpit, karamihan dito ay reklamo laban sa ayuda mula sa pamahalaan.
Sinundan ito ng mga reklamo hinggil sa anilay hindi makatao at degrading na pagtrato sa kanila ng otoridad.
Sa kabila ng COVID-19 pandemic, sinabi ni Dumpit na nakapagtala pa rin sila ng 55 reklamo ng ‘di umano’y extra judicial killings.