Hindi pa rin pabor ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa sa gitna ng mga panawagan matapos ang kontrobersiyal na pagkamatay ng Flight Attendant na si Christine Dacera.
Ayon kay Jacqueline De Guia, tagapagsalita ng CHR, hindi masu-solusyunan ng death penalty ang ugat o dahilan ng anomang uri ng sexual violence.
Giit ni De Guia, kawalan ng hustisya para sa mga biktima ng pang-aabuso ang matagal nang dahilan kung bakit marami pa rin ang walang takot na gumawa nito.
Ani De Guia kailangan lang na magkaroon ng ngipin ang batas at hindi na kailangan humantong pa sa parusang kamatayan.