Nanawagan ang pamunuan ng Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na siguruhing magiging patas at pantay ang gagawing pamamahagi ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Gana, dahil may ilang local government units (LGUs) sa bansa ang nag-uunahan na sa pagbili ng mga bakuna.
Paliwanag ni Gana, responsibilidad ng pamahalaan na siguruhing maaabot ng bakuna ang mga malalayong lugar sa bansa, maging ang mga lugar na may malaking bilang ng COVID-19.
Binigyang diin pa ni Gana na ang lahat ng Pilipino ay may karapatan na matiyak ang kanyang kalusugan, at mapabilang sa gagawing vaccination program ng pamahalaan.