Nanawagan ng tulong sa gobyerno at ilang grupo ang Commission on Human Rights (CHR) para sa imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang Lumad teachers at tatlong iba pa sa davao nitong nakalipas na buwan.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, tulong ang kooperasyon ng lahat ng partido, gobyerno at civil society upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.
Kinilala ang dalawang nasawing guro na sina; Chad Booc at Gelejurain Ngujo II na miyembro umano ng npa na napatay sa engkwetro ng mga militar.
Maliban sa CHR, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI). – sa panulat ni Abby Malanday