Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga pulis na huwag agad kamatayan ang unang maging opsyon sa pagtugis sa mga kriminal.
Ito’y matapos masawi ang isang construction worker na napagkamalang magnanakaw ng isang pulis sa Pampanga.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, dapat na mas maging maingat ang mga pulis sa paggamit ng kanilang mga armas.
Aniya maaaring gamitin ang armas bilang warning sa mga nagtatangkang tumakas o nanlalaban na mga masasamang loob.
Giit ni De Guia, ang layon ng mga tagapagpatupad ng batas ay para mapangalagaan at mapanatili ang karapatang pantao.
Kamakailan lang ay nasangkot ang isa ring pulis sa pagpatay sa mag-ina sa Tarlac.