Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa Philippine National Police (PNP) na lutasin at tugisin ang mga nasa likod ng mga insidente ng karahasang may kaugnayan sa naganap na 2022 national and local elections.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, nakatuon ang kanilang ahensya sa naitalang labing anim na insidente sa Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM).
Matatandaang sa naging pahayag ng Commission on Elections (Comelec), idineklara ang failure of election sa 14 na barangay sa Lanao de Sur dahil na rin sa mga nasirang vote counting machines (VCMs) at official ballots dahilan para magkaroon ng karahasan.
Minamadali narin ng CHR ang law enforcement officials na magkasa ng follow-up operations para mapanagot ang mga indibidwal na sangkot sa mga krimen sa bansa.