Nilinaw ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi pa nila nakakausap ang International Criminal Court (ICC) hinggil sa preliminary examination nito sa mga insidente ng patayan sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration.
Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline de Guia, handa naman ang gobyerno ng Pilipinas, partido ng Rome Statute of the International Criminal Court na makipag-tulungan sa preliminary examination ng ICC sa The Hague, Netherlands.
Gayunman, ang mga pahayag anya ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa review ay tila indikasyon na handa na ang Pilipinas na makipagtulungan sa ICC.
Magugunitang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na magsasagawa ang ICC ng preliminary examination sa reklamo ni Atty. Jude Sabio noong Abril 2017.
Si Sabio, ang counsel ng self-confessed Davao Death Squad hitman na si Edgar Matobato, ang mismong nagtungo sa The Hague at naghain ng reklamo laban kay Pangulong Duterte at ilan pang senior government official na inakusahan ng crimes against humanity.