Masusing iniimbestigahan ng Commission on Human Rights ang isyu kaugnay sa pag-aresto ng Philippine National Police (PNP) sa health worker na si Dr. Maria Natividad “Naty” Castro na itinuturing na miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA).
Sa panayam ng DWIZ kay CHR Commissioner Karen Gomez, noong araw na inaresto si Castro ay walang sinabing pangalan kung sino ang lead officer ng arresting team.
Ayon kay Gomez, ipauubaya nalang nila sa Korte Suprema ang maling pag-aresto ng PNP maging ang isinampang kaso kay Castro.
Iginiit din ni Gomez na dapat naging patas ang PNP at handa sa kanilang operasyon kabilang na dito ang pagsuot ng maayos na uniporme nakasaad sa PNP manual operation. —sa panulat ni Angelica Doctolero