Ikinababahala pa rin ng Commission on Human Rights o CHR sa pagpapatuloy ng impunity o kawalan ng katarungan at pang-aabuso sa ilalim ng war on drugs.
Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon, kahit Philippine National Police o Philippine Drug Enforcement Agency man ang humawak sa giyera kontra iligal na droga ay wala pa ring napapanagot sa mga pagpatay at pag-aabuso karapatang pantao hanggang sa ngayon.
Aniya sa loob ng 18 buwan ng war on drugs, patuloy ang kanilang pagkondena sa mga namomonitor nilang mga pag-abuso.
Iginiit pa ni Gascon na hindi pa rin naibibigay ng PNP ang kanilang hinihinging case folders ng mga kaso ng pagpatay sa ilalim ng war on drugs hanggang sa ngayon.
Kasabay nito, tiniyak ni Gascon na patuloy babantayan ang mga paglabag sa karapataang pantao sa ilalim ng war on drugs kahit ano pang ahensiya ang humawak dito.
—-