Pinag-aaralan na ng Commission on Human Rights na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa pagkamatay ng ilang mga hinihinalang drug offender.
Ayon kay CHR Commissioner Roberto Eugenio Cadiz, hinihingi ng pagkakataon ang nasabing imbestigasyon dahil minomonitor din ng ahensya ang mga naturang insidente ng pagpatay.
Sa katunayan, bumuo na ng Task Force on extrajudicial killings ang Commission on Human Rights.
By: Avee Devierte