Hindi pa natatapos ng Commission on Human Rights o CHR ang imbestigasyon nito sa kasong pagpatay sa 3 Lumad sa Mindanao.
Ayon kay CHR Chairman Jose Luis Martin “Chito” Gascon, isinasapinal na ng kanyang staff ang final draft ng report sa pagmasaker kina Emerito Samarca, Dionel Campos at Juvello Sinzo.
Matatandaang inakusahan ng mga Lumad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na siya umanong nasa likod ng pamamaslang, bagay na paulit-ulit nang itinanggi ng militar.
Nangako naman ang CHR na isusumite nito sa Department of Justice ang kanilang rekomendasyon para sa kaukulang evaluation.
By Jelbert Perdez