Pumasok na rin ang Commission on Human Rights sa imbestigasyon sa pagpatay sa beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o “Percy Lapid”.
Ayon sa CHR nakikiisa sila sa media community sa pagkundena sa naturang krimen.
Mahalaga anila ang papel ng mga mamamahayag sa pagtataguyod sa demokrasya.
Hinimok din ng ahensya ang gobyerno, partikular ang mga law enforcer, na tiyaking mananagot sa batas ang mga nasa likod ng pamamaslang.
Samantala, bumuo na ng Task Force ang Philippine National Police upang tutukan ang kaso ng pagpatay kay Ka-Percy.