Aminado ang pamunuan ng Commission on Human Rights (CHR) na nahihirapan sila na imbestigahan ang mga kasong pagpatay sa mga aktibista o mga personalidad na kabilang sa mga umano’y tagapagtanggol ng karapatang pantao.
Ayon sa CHR, ito’y dahil hindi nakikapagtulungan sa kanila ang pambansang pulisya alinsunod anila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod nito, agad na kumambyo ang Palasyo sa pahayag ng CHR, at sinabing hindi totoo ang malisyosong paratang.
Dagdag pa ng palasyo, tumatalima ang Pangulo sa umiiral na batas ng bansa, at sinabing nais ding malaman ng Pangulo kung sino-sino ang nasa likod ng mga pagpatay.