Umapela ang Commission on Human Rights o CHR sa Department of Education o DepEd na re – examine ang naging pagpapasara sa Lumad schools sa Davao Region.
Ayon kay CHR Spokesperson Gwendolyn Pimentel, ang solusyon sa ganito ka komplikadong problema ay nangangailangan ng matinding pag aaral, kooperasyon at tamang assessment sa pangangailangan at problema ng komunidad.
Sinabi ni Pimentel na bagama’t sinasabi sa batas na dapat na maprotektahan ang mga bata laban sa anomang uri ng abuse at violence ay hindi naman dapat na masakripisyo ang kanilang karapatan na makapag aral.
Matatandaang ipinasara ang mga paaralang Lumad noong nakaraang taon dahil sa hinihinalang nagagamit ito bilang breeding ground ng mga komunistang grupo.