Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) laban sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na higpitan ang paggalaw ng mga hindi pa nababakunahang indibidwal.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, na anumang pag-aresto nang walang warrant ay labag sa konstitusyon.
Dagdag pa ni De Guia, magagawa lamang ang mga walang warrant of arrest sa ilalim ng ilang mga exemption, kabilang na ang mga pag-aresto sa akto ng paggawa ng krimen; ‘hot pursuit’ operation; at muling pagdakip sa mga nakatakas na bilanggo.
Samantala, hinimok ng CHR ang gobyerno na gumamit ng isang human rights-based at isipin ang mga alternatibongparaan sa pag-aresto. —sa panulat ni Kim Gomez