Handa nang bumalik at maglaro sa Miami Heat sa bagong NBA season ng NBA si Chris Bosh.
Ito ay matapos ang ilang buwang pagliban sa laro kung saan ay na-miss nito ang second half ng nakaraang season dahil sa blood clots nito.
Ayon kay Bosh, sa susunod na linggo ay magsisimula na siyang lumahok sa training camp ng Heat sa Bahamas at excited na aniya siyang muling maglaro.
Gayunman, inamin ni Bosh na hindi pa siya nabibigyan ng clearance ng mga doktor ng koponan para maglaro ngunit kumpiyansa itong makakapaglaro na siya sa darating na season.
By Ralph Obina