Nakalaya na ang Hollywood singer na si Chris Brown at dalawa nitong bodyguards matapos na akusahan ng panggagahasa.
Sinabi ni Brown na pawang kasinungalingan lamang ang akusasyon ng 24-taong babae sa kanya.
Pambabastos aniya ito sa kanyang anak na babae maging sa kanyang buong pamilya at paninira sa kanyang pagkatao.
Gayunman, nilinaw ng prosecutor’s office sa Paris na hindi pa nila isinasara ang naturang reklamo ng babae sa Hollywood singer.
—-