Walang forever?
Inanunsyo ng Hollywood stars na sina Chris Pratt at Anna Faris ang kanilang paghihiwalay matapos ang walong taong pagsasama bilang mag-asawa.
Sa isang joint statement na inilabas, inihayag ng dalawa ang kanilang ‘disappointment’ sa malungkot na balita matapos na umano’y gawin nila ang lahat para maisalba ang kanilang relasyon.
Anila sa kabila ng paghihiwalay ay nananatili pa rin ang pagmamahal at respeto nila sa isa’t isa at tiniyak na mananatiling mabuting mga magulang sa kanilang nag-iisang anak.
Marami naman ang nalungkot sa paghihiwalay ng dalawa.
Si Chris Pratt ay nakilala sa kanyang mga pagganap sa “Jurassic World” at Marvel’s “Guardians of the Galaxy,” habang si Anna ay lumabas na rin sa maraming comedy series kagaya na lamang ng “Scary Movie.”
Unang nagtagpo ang landas ng dalawa sa comedy movie na “Take Me Home Tonight” noong 2007.
—AR | DWIZ 882