Pera na naging bato pa.
Ito’y dahil hindi natuloy ang pamimigay ng daan-daang libong pisong bonus sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang inanunsyo ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa ngayong araw sa pagdalo nito sa assumption ceremony ng bagong hepe ng Logistics Support Services (LSS) sa Camp Crame.
Ayon kay Dela Rosa, naghintay sila kahapon ng bonus na manggagaling sa Malacañang pero wala umanong dumating.
Tila nasisi pa ni General Bato ang media na nangulit at nagtanong kung saan galing ang pondo na ipang-bo-bonus sa mga opisyal ng PNP.
Ang abiso lang aniya sa kanya ng Malacañang, maghintay lang at maghahanap pa ng pera ang palasyo.
Hindi man aniya mabigay ang malakihang bonus ng PNP ngayong Bagong Taon posibleng sa susunod na Pasko na lang ito matuloy.
Kung matatandaan, kahapon ay inanunsyo ni dela Rosa na makatatanggap ng tig-P100,000 hanggang P400,000 ang mga heneral ng PNP depende sa ranggo, habang P50,000 naman sa mga opisyal na hindi heneral.
Report from Jonathan Andal (Patrol 31)