Inaabangan na ng tinatawag na Christmas full moon mamayang hapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bandang alas-5:32 ng hapon inaasahang magaganap ang full moon dito sa bansa.
Ngunit posibleng hindi ito makita ng malinaw dahil sa maulap na papawirin.
Huling nakita ang Christmas full moon noong 1977 at inaasahang muling magaganap sa taong 2034.
By Rianne Briones