Isang progresibo at payapang bansa ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga mamamayang Pilipino.
Ito ang mensahe ng Pangulo ngayong nalalapit na Kapaskuhan.
Maliban dito, hinikayat din ng Pangulo na alalahanin at ipanalangin ang mga nagsakripisyo ng buhay para sa bansa gaya ng mga bayani sa katatapos lamang na giyera sa Marawi City.
Samantala, binigyang pagkilala rin ng Pangulo ang sakripisyo ng mga kababayan nating Pilipino sa ibayong dagat na nalalayo sa kanilang mga pamilya para mabuhay.
“In the midst of all merriment, let us pause and remember our countrymen who have lost their lives fighting for the integrity of our country, and for those who lost their homes and loved ones in the recent war, those who are far from their families, and those who are not as fortunate and as blessed as most of us.
“Let us show our true compassion and include them in our supplications during the Yuletide season.” Bahagi ng mensahe ni Pangulong Duterte
—-