Pagbibigayan at pagtutulungan.
Ito ang naging sentro ng mensahe ni Pope Francis sa kanyang homily sa Christmas Eve mass sa Saint Peter’s Basilica sa Rome.
Ayon sa Santo Papa, nagiging ganid at wala nang kasiyahan ang karamihan kung saan nakikita na lamang ang kahulugan ng buhay sa mga materyal na bagay.
Iginiit ni Pope Francis, ang pagsilang kay Hesukristo ay nagtuturo sa isang bagong buhay na hindi makasarili kundi nagbabahagi sa kapwa.
Ngayong araw din, inaasahan ang pagbibigay ni Pope Francis ng kanyang ika-anim na Christmas urbi et orbi o message to the city and to the world.
—-