Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga Pilipino na ipagpatuloy sa iba’t ibang panig ng mundo ang pagdarasal para sa mga kababayan sa Marawi City na nagdiriwang ng Pasko.
Ilan lamang ang mga ito sa Christmas message o mensahe ngayong Pasko ni Robredo sa sambayanan.
Ayon kay Robredo, ang Pasko ay panahon ng pagkakaisa, pagpapasalamat, pagpapakita ng pagmamahal at pagpapatawad sa ating pamilya, kaibigan at bayan.
Saan man aniya makarating ang mga Pinoy ay hindi dapat makalimutan ang diwa ng Paskong Pilipino.
Samantala, nag-alay din ng panalangin ang mga senador para sa ikapapayapa at ikasasagana ng mga Pinoy partikular ang mga biktima ng kalamidad, summary killings maging ang pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis sa Marawi.
—-