Inirekomenda ng Public Health Expert na si Dr. Edsel Salvaña na gawin sa outdoor spaces ang mga Christmas Party
Sa laging handa briefing, sinabi ng eksperto na mas ligtas na magparty sa labas kaysa sa indoor areas lalo na mayroon pa rin ang banta ng COVID-19 sa bansa.
Ani Salvaña, bukod sa COVID-19 ay lantad sa hawaan ng iba pang respiratory diseases ang mga lugar na maraming tao.
Nagpaalala rin ito sa patuloy na pagsusuot ng facemask at magpabakuna laban sa COVID-19