Kanselado ang Christmas party ng mga Metro Manila Mayors sa Pasko.
Paliwanag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang pondong gagamitin sa Christmas party ay ilalaan na lamang sa pagtugon sa problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa katunayan aniya ay una nang nai-realign ang pondo ng iba pang mga proyekto para makatulong sa paglaban sa COVID-19.
Sa ngayon umano ay kailangang bigyang prayoridad ang kinakaharap ngayong pandemya ng bansa.