Bumigat ang daloy ng trapiko sa malaking bahagi ng Metro Manila sa gitna ng Christmas Rush.
Sa pag-iikot ng DWIZ, tila bumalik sa pre-pandemic situation ang dami ng mga sasakyan simula kahapon makaraang magdagsaan ang mga tao sa mga sikat na pamilihan upang mamili ng mga pang-regalo.
Naranasan ang traffic congestion sa Edsa-Pasay; bahagi ng Edsa-Shaw; Edsa-Cubao; North Avenue; Edsa-Balintawak at Monumento-Caloocan.
Ayon sa MMDA, halos doble o triple na ang dami ng mga tao na pumupunta sa mga mall gaya sa Divisoria na halos magkapalitan na ng mukha ang mga mamimili na nagki-Christmas shopping o last minute shopper.
Muling pinayuhan ng MMDA ang publiko na iwasan ang pagsisiksikan sa halip aymagkaroon ng physical distancing at magsuot ng face mask.
Samantala, suspendido na ang number coding scheme sa Metro Manila simula mamayang ala-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi; sa Huwebes, December 30 o Rizal Day at bisperas ng bagong taon, December 31.
Wala namang number coding scheme bukas, araw ng Pasko at January 1, 2022 o sa bagong taon.