Nagpadala ng 3 miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group sa Leyte para mag-imbestiga sa pagkamatay ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Dionardo Carlos, bumuo ng grupong mag-iimbestiga mismong si CIDG Director Chief Superintendent Ruel Ubusan upang tulungan sa pag-iimbestiga ang CIDG Region 8.
Matatandaang binaril ng mga operatiba ng CIDG Region 8 si Espinosa at isang pang drug suspect na si Raul Yap sa loob ng kanilang selda sa Leyte sub-provincial jail sa Baybay City noong Sabado.
Naghahain umano ng mga search warrant kay Espinosa ang mga nasabing operatiba para sa paglabag ng comprehensive firearms and ammunition regulation act nang manlaban umano ito.
By: Avee Devierte