Nagbabala ang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa mga mahuhuling nagbebenta ng pekeng COVID-19 vaccination cards
Sa panayam kay CIDG director police major general Albert Ignatius Ferro, saklaw ng falsification of documents o pamemeke ng dokumento ang pagbebenta ng vaccination cards
Ayon sa CIDG, maaring makulong mula 6 na buwan hanggang dalawang taon ang mahuhuling nagbebenta ng pekeng COVID-19 vaccination cards base sa nakasaad sa revise penal code.—mula sa panulat ni Joana Luna